June 30, 2017 01:00AM

Hindi ko alam ba't ako gumawa ng blog. Marahil siguro, hindi ko na makaya yung bigat ng aking nararamdaman. Wala naman akong mapagsabihan. Lahat ng kaibigan ko ay busy sa kanilang mga trabaho at pagaaral pero mabuti pa sila, masaya. Samantalang ako, ilang araw at gabi ng namomroblema. Paano na ba maging masaya? Parang nakalimutan ko na.

Ngayon, nalaman kong nabuntis yung aming kaibigan. Masaya ako para sa kanya. Nang malaman nila ang mabuting balita, wala pang isang lunggo ay nag pa-civil wedding agad sila. Ngayon, pinaplano nila ang pagpapakasal sa simbahan. Hindi ba't ang gandang pakinggan? Masaya ako para sa kanila.

Pero bat ganto, hindi ko mapigilan ang luha ko. Ako'y nalulungkot kung bakit tila ilang taon na ang anak namin ay parang walang balak ang aking boyfriend na pakasalan ako? Sinasabi ko naman sa kanya na okay lang ako kahit civil wedding muna. Pero bakit parang ang daming dahilan? Na mas maganda daw ang church wedding, kelangan muna naming mag-ipon at kung anu ano pa.

Nung nabuntis pa lang ako ay inaantay ko na siyang yayain akong magpakasa. Pero magtatatlong taon na, parang wala pa rin sa isip niya. Ganun ba ako hindi kahalaga sa mundong ito? Ako lang ba palagi ang mas magmamahal sa isang tao?

Bakit ganun?

Mabait naman ako at hindi naman ako pangit, pero bakit parang ayaw sakin ng mundo? Hindi ba ako kakasal kasal sa mundong ito?


Nakakalungkot kaso ito at wala  akong magawa kundi umiyak. Sana maging masaya din ako tulad ng iba. Ang hinihingi ko lang naman ay ang kasiguraduhang magkakaroon ako ng buong pamilya. Ayoko sanang lumaki ang aming anak na walang ama, tulad ko. Ito ay napakahirap at napakalungkot.

Mahirap ba ang hinihingi ko?

Comments

Popular Posts