July 1, 2017 02:00AM

Heto na naman ako, napakalungkot. Ano bang meron sakin at palagi na lang ganto? Ang buhay ko ba ay isinulat ng walang kasaya-saya? Ako ba ay pinagbabayad sa aking mga kasalanang nagawa? Ngunit, ano nga ba ang mga iyon? Ako naman ay isang mabait na tao.

Hindi ko mapigilang lumuha. Kanina ako ay kanyang sinundo ngunit kami ay dumeretso sa isang salo-salo.  Hindi maiwasang mapagusapan ang kasalang nahanap sa isa sa kanilang mga kaibigan. Ako ay kanilang niloko. Sa una, ako'y tumatawa ngunit ng makatagalan ako ay napaluha. Masakit sa damdaman na pati kanyang mga kaibigan ay nararamdaman ang aking damdamin.

Kesho hindi paraw siya handa, hindi pa rin siya nakakapagdesisyon ngunit ang pinamasakit doon ay sng sinabi ng kanyang isang kaibigan na, "dapat kayo ang mauna, dahil kung mauuna kaming ikasal ay masakit iyon kay D dahil kayo ay may anak na". Sobrang tama. Hindi ko napigilan ang maawa sa aking sarili habang siya ay nakikipagbiruang tanso na lamang ang amin gagamiting singsing.

Ito pa ang isa sa kanilang mga panloloko, na ang aming handa ay kahit pancit na lamang at ang gamitin namin singsing ay Silverworks. Nakakatawa di ba? Ganun na ba kaming kahirap? O siguro marahil yun ang nararamdaman niya kaya yun ang sinasabi niya sa mga kainigan noya.

Kaso paano nga ba iyon, bubuntisin na lamang ba ako? Hindi man lang ba kaya akong mapanagutan o siguro ay hindi niya ako gaanong kamahal?

Napakasakit. Ganto na lamang ba ang aking buhay? Lumaking walang ama at hindi magkaron ng buong pamilya?

Ako ay nagsasawa na. 

Comments

Popular Posts